2023
Noli | 2023 | ALAMAT | IsaPuso Album

Noli lyrics

[Intro: All]

Alamat, handa ‘rap

 

[Verse 1: Mo, Alas, Tomas & Alas]

Suotin mo na ang saya na binigay ko sa iyo (Uh)

Oh, aking Maria, hindi ka na pwede sa’kin malayo

‘Di ka nila makukuha sa akin, ako’y siguradong ligtas ka sa piling ko

Nand’yan na sila at galit na galit

Handa na ako sila’y gilitan ang leeg

‘Di na pepwedeng, saktan ka nilang muli, no

Ako ang hinete, tara do’n tayo sa malayo

 

[Pre-Chorus: Jao]

Punasan ang luha

Hawakan ang aking kamay

Ang iyong ulo, sa’kin idantay

‘Wag kang matakot, ako’ng ‘yong gabay

 

[Chorus: Tomas, R-Ji]

Ika’y payapang nakatulog

Sa’king balikat at malayo sa bangungot

Habang sila’y gigil na maghanap sa’ting mga bakas

‘Di ako makakapayag na tayo ay magwakas na

 

[Post-Chorus: All, Taneo]

Oh, oh, oh, oh

Subukan ang magkamali

‘Yan ang hindi niyo gustong harapin

Oh, oh, oh, oh

Oh, Diyos ko, ang akin ay akin

 

[Verse 2: Tomas, Alas, R-Ji, Mo & R-Ji]

Ang akin ay akin, at langit ang tanging saksi

Mga bituin na nagsilbing tulay, mahagkan ka lamang at makatabi

Milyong kilometro man layo mo sa’kin

Naging mapa ko na ang damdamin

Kasabay ang pag-ihip ng hangin

Pangalan mo ang bulong at sinasabi

Hawak na natin, nobelang noo’y madilim

Biglang lumiwanag nang natagpuan ka sa malayo

 

[Pre-Chorus: Taneo]

Punasan ang luha

Hawakan ang aking kamay

Ang iyong ulo, sa’kin idantay

‘Wag kang matakot, ako’ng ‘yong gabay

 

[Chorus: Jao]

Ika’y payapang nakatulog

Sa’king balikat at malayo sa bangungot

Habang sila’y gigil na maghanap sa’ting mga bakas

Hindi ako makakapayag na tayo ay magwakas na

 

[Post-Chorus: All, Mo]

Oh, oh, oh, oh

Subukan ang magkamali

‘Yan ang hindi niyo gustong harapin

Oh, oh, oh, oh

Oh, Diyos ko, ang akin ay akin

Share this lyrics