2023
Multo | 2023 | ALAMAT | IsaPuso Album

[Intro: Cursebox, Alamat]

(Cursebox)

Alamat, handa ‘rap

 

[Verse 1: Alas, Tomas]

Nakakaakit ka, diwatang nakita

Liwanag at ganda ang bitag sa mga mata

Hangin na dumaan, niyakap ang katawan

Maulap na gabi, sabay pa sa bilog na buwan

 

[Pre-Chorus: R-Ji, Mo]

Karapat-dapat bang matakot, oh, sinta?

Kaibig-ibig din kaya sa’yo gusto kong pumusta

‘Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala

Malaman ko kung tunay ba, baka isang

 

[Chorus: All]

Multo

Takbo, takbo, takbo

Multo

Takbo, takbo, takbo

 

[Refrain: All]

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

 

[Verse 2: Alas, Mo]

Natatakot ba kapag madilim?

Humanda na para sa mga lagim

Dahil ngayong gabi ang lahat ay mangyayari

‘Wag basta madadala at ‘wag ka basta mapraning

Basta ako para sa’yo, handang gawin lahat

Magkagalos man nang magkagalos ang balat

‘Di ko man alam patutunguhan ng daanan na nilalakaran

Susubukan kong ikaw ay sugalan

 

[Pre-Chorus: Taneo, Jao]

Karapat-dapat bang matakot, oh, sinta?

Kaibig-ibig din kaya sa’yo gusto kong pumusta

‘Paramdam mo kaya ang pag-ibig na dala

Malaman ko kung tunay ba, baka isang

 

[Chorus: All]

Multo

Takbo, takbo, takbo

Multo

Takbo, takbo, takbo

 

[Refrain: All]

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

 

[Bridge: Jao, R-Ji]

Ang pag-ibig ay minsan sadyang mapanlinlang

Aakitin, dadalihin ka sa titig lang

Pero kahit na gano’n, ‘wag mong pagbibigyan

Lalong-lalo ‘pag dama mong sandali lang ‘yan

‘Di na para magpadalaw ng isang buwan na

Sigurado ‘di rin tayo do’n mapupunta

Tanging payo ko sa’yo, mag-isip-isip ka

Para maiwasan mo na ma-ghost

 

[Refrain: All]

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

Kinikilabutan

Bilisan mo ang iyong takbo, bilisan mo ang iyong takbo

 

[Interlude: All]

Multo

Multo

 

[Outro: Taneo, Mo]

Puso mo’y ‘wag basagin

Utak ang ‘yong gamitin

Para sa dulo, walang iba pang sisisihin

Tingnan ang ‘yong paligid

Ito ba ay para sa’kin

Nang ‘di mahulog sa pag-ibig ng isang multo

 

Share this lyrics