2023
Dayang | 2023 | Alamat | IsaPuso Album

[Intro: All, Tomas]

Dayang (Mm-mm)

Dayang (Ooh, woah)

Dayang (Yeah, yeah)

Alamat, handa ‘rap

 

[Verse 1: Jao, Alas]

Nauupos na nang madatnan

At para bang naghihintay na lang

Mahanginan

At mawala na nang tuluyan

Nang dahil sa’yong mga kamay

Unti-unti akong nabuhay

Iyong tinakpan

Butas na gawa ng nakaraan

 

[Pre-Chorus: R-Ji]

Pa’no ko susuklian

Ang iyong kabutihan

Buong buhay ko

Ilalaan

 

[Chorus: Mo]

Sa tangi kong dayang

Kalasahan ta kaw

At pipiliin ka sa bawat araw

Tangi kong dayang

 

[Verse 2: Taneo]

Nagagawa ko nang ngumiti

Ang bukas ay nakikita ko nang muli

Mga binhing itinanim mo sa dilim

Umuusbong unti-unti, nawawala ang pighati

 

[Pre-Chorus: Tomas]

‘Di ko hahayaang manaig

Ang takot sa aking isip

Panatag ang puso

Dahil kasama ko

 

[Chorus: R-Ji]

Ang tangi kong dayang

Kalasahan ta kaw

At pipiliin ka sa bawat araw

Tangi kong dayang

 

[Verse 3: Jao, Mo]

Matagal

Matagal ding naging hangal

Kung saan-saan hinanap ang pagmamahal

Pero walang nagtatagal

Inuna ko siya bago sarili

Pero wala ring nangyari

Nagtataka, bakit bigla na lang siyang nawala

Nang walang pasabi?

 

[Verse 4: Alas, Taneo]

Nawalan ako ng gana

‘Di na naniwala na meron pang pag-asa

Pero kung kailan ‘di mo inaakala

May isang darating na magbabalik ng ningning

Sa mundo mong balot na balot ng dilim

Liwanag niya ang magsisilbing

Gabay patungo sa kaniyang bisig at mananatiling

 

[Chorus: Tomas, R-Ji, Mo]

Tangi kong dayang (Tangi kong dayang)

Kalasahan ta kaw (Ooh-ooh, oh, ooh-ooh-ooh, yeah)

At pipiliin ka (Pipiliin ka, pipiliin ka)

Sa bawat araw (Sa bawat, sa bawat, sa bawat araw, woah-woah, woah-oh)

Tangi kong dayang

 

Share this lyrics