2022
Laro | 2021 | BGYO | Be Us Album

[Verse 1: Gelo]

Tila bigla nasali na sa isang laro

Ako’y taya, ikaw ang puntirya ko

Pilit kong nilaro kahit ‘di totoo

Oh, ang hirap mong mahabol palayo na nang palayo

 

[Verse 2: JL, Gelo, Akira, Nate]

Sige lang, tuloy mo lang

Kahit sa’n makarating ako’y nag-aabang

‘Wag matakot na masaktan

Lagi mong tatandaan ako’y laging nandito lang

‘Di mo ba alam ang gagawin?

Sa puso laging nakikinig

Takot na bang magkamali?

Tama o mali, sino bang pakikinggan?

 

[Pre-Chorus: Akira, JL]

Maghabul-habulan habang umuulan

Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Maghabul-habulan habang umuulan

Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

 

[Chorus: Mikki]

Ikaw lang ang nagparamdam sa’kin ng ganito, yeah

Walang iba, walang ibang nakagawa nito

Ako’y nahulog na, nahulog, natukso ng ‘yong bulong

Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

 

[Post-Chorus: Gelo, Akira]

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso ko’y ‘wag sanang paglaruan, woah

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso ko’y ‘wag sanang paglaruan, skrrt

 

[Verse 3: Mikki]

Gustong balikan kung pa’no ba sinimulan

Hindi ko sukat akalain na ikaw na ang gustong makasama

Habang buhay na lang ba maghihintay laging nakaabang

Naglalakbay, sinusundan ang mga tala

Patungo na kung saan tayo tinadhana

Lahat haharapin, sabay nating sulyapin

Kinabukasan na puno ng pag-asa

 

[Pre-Chorus: JL, Gelo]

Maghabul-habulan habang umuulan

Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

Maghabul-habulan habang umuulan

Magtagu-taguan sa ilalim ng buwan

 

[Chorus: Nate]

‘Kaw lang ang nagparamdam sa’kin ng ganito, yeah

Walang iba, walang ibang nakagawa nito

Ako’y nahulog na, nahulog, natukso ng ‘yong bulong

Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong

 

[Post-Chorus: JL, Mikki]

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso ko’y ‘wag sanang paglaruan, oh

(Puso ko sana’y ‘wag paglaruan)

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso ko’y ‘wag sanang paglaruan

 

[Bridge: Mikki, Akira]

Damdamin ay bumubugso (Yeah, yeah)

Ang puso ay nalilito (Yeah, yeah)

‘Wag naman sanang mabigo (Yeah, yeah)

Handang harapin lahat

Makahabol lang sa’yo, woah

 

[Instrumental]

 

[Chorus: JL, Gelo, Akira]

Ikaw lang ang nagparamdam sa’kin ng ganito, yeah

Walang iba, walang ibang nakagawa nito

Ako’y nahulog na, nahulog, natukso ng ‘yong bulong

Nakalaya na, malaya na ang pusong nakulong (Malaya na ang pusong nakulong)

 

[Post-Chorus: All, Mikki]

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso sana ay ‘wag paglaruan, oh

La-la-la-la, la-la-la-la

Puso sana ay ‘wag paglaruan

La-la-la-la, la-la-la-la (Takbo-takbo, pagbilang ng tatlo)

Takbo-takbo, nakatago na kayo

La-la-la-la, la-la-la-la (Litong-lito, puso ay gulong-gulo)

Gulong-gulo, paano ba itong laro?

 

[Outro: Mikki]

Paano ba?

 

Share this lyrics