2022
Panahon | 2021 | BGYO | Be Us Album

[Intro: JL]

Bigyan mo ng panahon

Bigyan mo ng panahon

 

[Verse 1: JL, Nate]

Napapaisip na kung tama ba’ng ginagawa

Kasi bale napakarami ng sablay at aray na nangyayari

Hindi na makaisip, wala nang mapaglalagyan

Litong-lito, gulong-gulo, na-na, nananaig ang alinlangan

 

[Pre-Chorus: Mikki]

Ipagpaliban, ‘wag mong sukuan

Mangyayari din lahat nang dapat na mangyari

Humingang malalim, tumingin sa akin

Kasama mo ako, ‘di ka mabibigo

 

[Chorus: Nate]

Bigyan mo ng panahon

Ang pagkakataon at tadhana na ipinta

Ang larawan kung sa’n dito sa mundong ito

Mapapagtanto, katangi-tangi’t nag-iisa

Walang katulad, ikaw ay mahalaga

 

[Post-Chorus: JL, Akira, Mikki]

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Ikaw ay mahalaga

 

[Verse 2: Akira]

‘Wag kang mag-alala, nandito ‘ko para sa’yo

Malapit na magsasabing sumandal ka sa’kin mo ibaling

Ang ‘yong nararamdaman, ‘di kita iiwan

Sasamahan ka hanggang mag-umaga

Sa’kin ka muna magpahinga

 

[Pre-Chorus: Gelo, Akira, Akira & Gelo]

Ipagpaliban, ‘wag mong sukuan (‘Di ka susukuan)

Mangyayari din lahat nang dapat na mangyari

Humingang malalim, tumingin sa akin

Kasama mo ako, ‘di ka mabibigo

 

[Chorus: JL]

Bigyan mo ng panahon

Ang pagkakataon at tadhana na ipinta

Ang larawan kung sa’n dito sa mundong ito

Mapapagtanto, katangi-tangi’t nag-iisa

Walang katulad, ikaw ay mahalaga

 

[Post-Chorus: JL, Akira, Mikki]

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Ikaw ay mahalaga

 

[Verse 3: Gelo, Nate]

Mahalaga madalas mong sabihin sa iba

Pero bakit ‘pag ikaw hirap kang maniwala

Biglang tatawa, akala mo biro at hindi totoo

Ang sinasabi sa iba, nandito lang ako

Na parating magpapaalala sa’yo

Hindi ka nag-iisa, hindi ka iba

Karapat-dapat sa mga bagay na gusto mong matupad

Makamit, maabot hindi man ngayon

Hindi man umaayon sandali’t panahon

Nandito lang ako sa tabi mo, sandal ka sa’kin

At sabay nating haharapin ang bawat suliranin

 

[Chorus: Mikki, JL/Akira/Nate]

(Bigyan mo ng panahon) Bigyan mo ng panahon

Ang pagkakataon at tadhana na ipinta (Ohh)

Ang larawan kung sa’n dito sa mundong ito (Dito sa mundong ito)

Mapapagtanto, katangi-tangi’t nag-iisa

Walang katulad, ikaw ay mahalaga

 

[Post-Chorus: JL, Nate, Akira, Mikki]

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Bigyan mo ng panahon (Bigyan mo ng panahon)

Ikaw ay mahalaga

 

[Outro: JL]

Bigyan mo ng panahon

Bigyan mo ng panahon

 

Share this lyrics