‘Di tayo ang bida sa isang nobela
‘Di tayo karakter sa isang pelikula
Ngunit bakit gan’to ang nangyari sa ating istorya
Ikaw ba’y napagod?
Ikaw ba’y nalunod sa daluyong ng pagmamahal?
Sa bagyo na tila kay tagal
Ikaw ba’y nagsawa? Bakit ‘di ka naawa?
Lumuhod, nagmakaawa ngunit wala nang nagawa
Dahil hindi ko na maibabalik sa dati ang ating pagsinta
Hindi ka mapipilit kung ayaw mo na, ayaw mo na
Wala na ngang natitirang pag-asa para sa’ting dalawa
Kahit mahal kita, kailangan na talagang palayain kita
Ooh-oh-oh, woah-oh-oh-oh
Ang sabi mo sa akin (Sa akin)
Ako lang ang tunay mong mamahalin
Ngunit bakit ‘di lumaban, ako’y iyong sinukuan
Ako’y iyong sinugatan na walang kalaban-laban
Bigla na lang iniwan
Ikaw nga’y napagod?
Ikaw nga’y nalunod sa daluyong ng pagmamahal?
Sa bagyo na tila kay tagal
Ikaw ay nagsawa, hindi ka naawa
Lumuhod, nagmakaawa ngunit wala nang nagawa, ohh
Dahil hindi ko na maibabalik sa dati ang ating pagsinta
Hindi ka mapipilit kung ayaw mo na, ayaw mo na
Wala na ngang natitirang pag-asa para sa’ting dalawa
Kahit mahal kita, kailangan na talagang palayain kita
Sa bawat oras na lumipas, wala na ngang babalikan
Hindi ko na mabalikan, oh-ohh
Ang istorya nating dalawa, hindi na nga babalikan
Wala na ngang babalikan
Hindi ko na maibabalik sa dati ang ating pagsinta
Hindi ka mapipilit kung ayaw mo na, ayaw mo na
Wala na ngang natitirang pag-asa para sa’ting dalawa
Kahit mahal kita, kailangan na talagang palayain kita
Woah-oh-oh, palayain kita
Kailangan na talagang palayain kita