Tanto Instrumental

  • https://open.spotify.com/track/4RLT4QmBsoicEQMULRYixh
  • https://music.apple.com/us/song/tanto-instrumental/1770607353

Tanto Vocals

  • https://open.spotify.com/track/1c0wGytWbwFHMkP819TssA
  • https://music.apple.com/us/song/tanto-vocals/1770607361

[Verse 1: Ryu, Luiz, Blue, Dawn]

Narito ako kung sa’n
Oras kay bilis dumaan
Ina-alala ko lang naman
Panahong tila walang hanggan
Kislap ng iyong mga mata’t
Hawak-hawak ang iyong kamay
Sa mundo na ‘ting binuo
Ikaw pa rin, Ikaw pa rin
Binulong sa bituin
Sigaw ng damdamin

[Pre-Chorus: Ryu, Dawn]

At sa ngayong gabi
Ito ang tangi kong ~ hiling

[Chorus: Jem, Dawn]

P’wede bang oras ay ihinto
Iikutin muli ang mundo na ‘ting binuo
Sa isip ay hindi ko matanto
Kung bakit sa huli
‘di nagtagpo

[Verse 2: Luiz, Blue, Jem, Dawn]

Bumalik na naman ako
Sa’ting dating tagpuan
Inaalala, sandaling kala’y walang wakas
Bawat salitang iniwan at sandaling kinalimutan
Binabalik-balikan
Ikaw pa rin, ikaw pa rin
Binulong sa bituin
Sinigaw ng damdamin

[Pre-Chorus: Ryu]

At sa ngayong gabi
Ito ang aking hinihiling

[Chorus: Dawn, Jem]

P’wede bang oras ay ihinto
Iikutin muli ang mundo na ‘ting binuo
Sa isip ko’y hindi na matanto
Kung bakit sa huli
‘di nagtagpo

[Bridge: Blue, Dawn, Luiz, Jem]

Tatalikuran, palalampasin
Ba ang pinagsamahan natin?
Pipilitin ko pa ba?
Kumapit sa ’ting dalawa

[Chorus 2: ALL, Dawn]

P’wede bang oras ay ihinto
At paikutin muli ang mundo na ‘ting binuo
Sa isip ko’y hindi na matanto
Kung bakit sa huli
‘di nagtagpo

[Post-Chorus: Jem]

Kung oras nati’y dating huminto
Tibok ng puso ko’y tutuloy sa pagtakbo
Ang isip ko’t damdamin, ngayo’y napagtanto
Handa na ‘ko sa ’king, susunod
Na yugto

Share this lyrics